What's Hot

Aiko Melendez, Wendell Ramos, ikinuwento ang 'lock-in taping' experience sa 'Prima Donnas'

By Aaron Brennt Eusebio
Published October 7, 2020 3:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sto. NiƱo images blessed at Tondo Church during feast day
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

aiko melendez and wendell ramos


Kumusta kaya ang experience ng mga batikang aktor na sina Wendell Ramos at Aiko Melendez sa 'new normal' taping ng 'Prima Donnas?'

Sa tinagal tagal sa industriya nina Wendell Ramos at Aiko Melendez ay ngayon lang nila naranasan ang 21-day lock-in taping, o ang 'new normal,' para sa shooting ng GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas.

Wendell Ramos and Aiko Melendez in Prima Donnas

Matutuloy na kaya ang kasal nina Jaime Claveria (Wendell Ramos) at Kendra Fajardo (Aiko Melendez) sa 'Prima Donnas?' / Source: wendellramosofficial (IG) and aikomelendez (IG)

Sa interview nina Wendell at Aiko sa 24 Oras, kinuwento nila na ginawa na nilang bahay ang kani-kanilang kwarto sa taping.

Pag-amin ni Aiko, “Ako kasi, kuya Lhar, what I did to my room, trinansform ko siya into my second home.

“Dinala ko lahat nung mga beddings na usually ginagamit ko sa bahay para 'yung mga amoy nung anak ko nandoon pa rin, 'yung amoy ni VG nandun pa rin.”

Ang VG na tinutukoy ni Aiko ay ang kanyang boyfriend at vice governor ng Zambales na si Jay Khonghun.

Dagdag ni Aiko, “Nagdala ako ng lutuan ko, lahat talaga.”

Katulad ni Aiko, dinala rin ni Wendell ang kanyang bed sheet at mga unan, bukod sa stuff toy na kamukha ng kanyang asawang si Kukai Guevara.

“May dala akong stuff na kamukha ng misis ko,” kuwento ni Wendell.

“Then 'yung mga bedsheet, 'yung mga pillow ko.

“May dala rin akong rice cooker at bigas.”

Nagbigay rin sina Wendell at Aiko ng ilang sneak-peak kung ano ang mangyayari sa pagbabalik ng Prima Donnas.

Saad ni Aiko, “Kailangan nilang abangan, matutuloy ba na maikasal nina si Jaime kay Kendra?”

“Ano bang mangyayari sa journey nina Kendra, Jaime, at Lilian?

“There's so much na mangyayari talaga with the show.

“These six months na wala kami sa ere, we're coming up with a big bang.”

Umeere na ang catch-up episodes ng Prima Donnas, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Ika-6 na Utos.