
Bilang isa sa mga masasabing unang girl group at P-Pop idols ng bansa ang SexBomb Dancers, hindi maiwasang maikumpara sila sa isa pang girlgroup, ang BINI.
Sa pagbisita nina Aira Bermudez at Aifha Medina sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, November 27, ipinaalam sa kanila ni King of Talk Boy Abunda kung papaanong maraming fans ang nagkukumpara sa kanilang grupo sa tinaguriang Nation's Girl Group.
“Madalas ikino-compare kayo sa BINI. May netizen na nagsabi, mas deserve n'yo daw ang titulong Nation's Girl, you are the pillars of P-Pop, reaksyon?” wika ng batikang host sa kanila.
Sagot ni Aira, “Siguro nu'ng time namin, deserve namin, pero time ng BINI ngayon, we have to respect that.”
Ayon pa kay Aira, lahat naman ay may timing sa buhay at ang sa kanila ay natapos na. Ngayon, bilang representante ng bansa, dapat umano maging proud ang bawat isa sa achievements na narating ng Bini.
Pahayag naman ni Aifha, “Yes, bigay na natin sa kanila 'yun.”
Nilinaw din ni Aifha na hindi naman sila nakikipag kumpetensya sa ibang grupo.
Ngayong December 4 ay magkakaroon ng reunion concert ang SexBomb Dancers sa Araneta Coliseum, Quezon City na pinamagatang Get Get Aw! The SexBomb Concert. Magkakaroon din sila ng ikalawang concert sa December 9 na gaganapin naman MOA Arena sa Pasay City.
BALIKAN ANG SISTERHOOD NG SEXBOMB DANCERS SA GALLERY NA ITO:
Samantala, noong November 2024 sa kanila panayam sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho, ibinahagi ng BINI na hindi pa rin sila makapaniwalang tinagurian silang nation's girl group.
“Nakakilig siya kung papakinggan, pero hindi po talaga namin siya in-expect kahit ngayon hindi pa rin siya nag-si-sink in na nation's girl group kami kasi dati rati nag-ta-tricycle lang kami,” saad ni Stacy.