What's on TV

Aira Bermudez at Jopay Paguia, nag-reminisce ng kanilang SexBomb journey

By Mark Joseph F. Carreon
Published November 17, 2025 2:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Easterlies continue to affect PH with cloudy skies, rain showers
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

 Aira Bermudez and Jopay Paguia


Paano nga ba nagsimula ang dancing journey nina Aira Bermudez and Jopay Paguia bago maging sikat na SexBomb dancers?

Sa recent episode ng GMA vodcast na Your Honor, masayang ikinuwento ng SexBomb dancers na sina Aira Bermudez at Jopay Paguia ang kanilang mga karanasan kung paano ba nila nadiskubre ang kanilang galing sa pagsasayaw.

“Eleven years old, mahilig kasi akong mag-party. Alam mo 'yung mga street party? Uso 'yan nung mga kabataan namin. Doon ko nga na-meet 'yung husband ko,” kuwento ni Aira.

Ibinahagi ni Aira na sa mga street parties siya nagsimula matutong magsayaw at ipinagmamalaki niyang isa sa mga natatandaan niya sa kaniyang journey ay ang galing niyang maka-pick up ng sayaw.

“'Yung memory ko sa dance, para talaga akong sponge. 'Pag nakita ko ['yung steps], 'Ah okay'. Mabilis talaga ako mag-pick up,” sabi ni Aira. “Mahataw talaga ako. Buwis-buhay kasi ako since birth,” dagdag pa niya.

Masaya rin ikinuwento ni Aira ang karanasan noong nagsisimula pa lang siya sa pagsasayaw. Ibinahagi niya sa kanilang lugar noon, sumasayaw siya kasama ang kaniyang mga kaibigan nang naka-shirt at shorts habang nakayapak lamang.

Isa pa sa ibinahagi ni Aira ang kaniyang mga buwis-buhay na dance stunts katulad ng pagsabit niya sa kawayan habang binabandera, pagtalon niya mula sa matataas na lugar. Inalala niya rin ang pagpagpag sa kaniya sa ere o ang mas kilala na ngayong "alarma".

Matapos ang kuwento ni Aira, ibinahagi naman ni Jopay ang kaniyang kuwento kung saan ayaw ng kaniyang ina na pasukin niya ang pagsasayaw.

“Gusto ng nanay ko lang ay sa bahay, mag-aral,” sabi ni Jopay.

Ikinuwento niya na sinasama siya ng kaniyang amang checker sa sinehan noong siya ay nasa 14 taong gulang at gawain niya ang manood sa mga sayawan sa malls noon.

“Meron do'n sa isang mall, mayroong mga sayawan. So, dati akyat lang ako nood-nood. Hindi alam ng nanay ko na nagpupunta ako do'n. Hanggang sa may lumapit sa akin, 'Uy, gusto mo sumayaw?' Hindi pa naman ako sanay magsabi ng 'No',” kuwento ni Jopay.

Sinabi rin niya na matapos iyon, nagsimula na siyang sumama sa mga sayawan nang hindi alam ng kaniyang mga magulang.

Sumalang din daw siya sa isang competition sa TV matapos palitan ang isang dancer noon; ito ang dahilan kung bakit nalaman ng kaniyang mga magulang ang kaniyang pagsasayaw.

Ibinahagi rin ni Jopay ang pagkagulat at pagkatuwa matapos mag trending ang kanta ng Mayonnaise na ipinangalan sa kaniya.

“Sobrang nakakatuwa lang kasi 'di naman lahat nabibigyan ng sariling kanta. Kinikilig ako every time na naririnig ko siya,” sabi ni Jopay.

Pinagmamalaki rin nina Aira at Jopay sa episode na sa lahat ng SexBomb dancers, silang dalawa ang laging pinagtatambal sa dance floor.

Mapapanood sina Aira at Jopay sa nalalapit na reunion concert ng SexBomb na Get, Get Aw! The Sexbomb Concert' sa darating na December 4 sa Araneta Coliseum.

RELATED GALLERY: SEXBOMB GIRLS, MOMMIES NA NGAYON