
Naging usap-usapan online ang pagbigay ng chocolates at flowers ni Batangas Vice Governor Mark Leviste sa kanyang ex-girlfriend na si Kris Aquino bago ito sumalang sa isang surgery.
Nilinaw naman agad ng athlete-content creator na si Aira Lopez, ang kasalukuyang kasintahan ni Mark, ang kumakalat na isyu na maaaring nagkabalikan ang Queen of All Media at si Mark.
“Wag na po nating gawing issue ang lahat,” sabi ng Sparkle artist.
Dagdag pa niya, “Whether he gave the chocolates or not, wala pong problema sa akin.”
Inamin din ni Aira na suportado niya ang pagbisita ni Mark kay Kris sa ospital at siya pa ang nagsabing bisitahin ito.
Sa gitna ng mga isyu, nanatiling kalmado si Aira at hiling niya rin ang paggaling ni Kris.
“I sincerely wish her well and pray for her recovery,” pahayag niya.
Hindi rin nagtagal at nalinaw na ang anak ni Mark na si Ronin ang nagpadala ng chocolates at flowers kay Kris.
Naging magkasintahan sina Kris at Mark noong 2023 at naghiwalay sa parehong taon. Inilahad ni Kris na ang kanilang paghihiwalay ay dahil sa kanilang long-distance relationship habang nagpapagaling sa kanyang 11 autoimmune diseases.
Samantala, si Aira at Mark ay naging magkarelasyon noong January 2025.
RELATED GALLERY: Aira Lopez and Mark Leviste's sweetest moments