
Ikinuwento ni AJ Raval na mayroon silang "iba't ibang relationship" ni Aljur Abrenica bilang partners.
Sa pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda noong Lunes (May 11), kinumusta ni King of Talk Boy Abunda ang pagsasama nina AJ at Aljur.
"Okay po kami," sabi ni AJ. "Iba't ibang relationship po 'yung mayroon kaming dalawa --- minsan magkapatid, magbarkada, mag-partner, minsan magnanay, magtatay."
Nang tanungin kung nag-aaway ba silang dalawa, sagot ng aktres, "Yes po."
Pagpapatuloy niya, "Minsan, umabot na rin kaming nagsigawan kami, madalang na madalang. Kagabi, nag-away kami, pero bulungan lang."
Pagdating naman sa kung nagkaroon ba ng pagkakataon na may umaligid sa kanilang dalawa, ani AJ, na noong nagsisimula pa lamang sila ni Aljur ay marami ang "nagme-message" sa aktor.
"Ay, Tito Boy! Nu'ng nag-i-start kami, siguro mga one to two years, sobrang dami. As in sobra, sobrang dami, kay Aljur, nagme-message. Nagme-message, tapos minsan pinupuntahan siya.
"Hindi pa po kasi kami magkasama ng house. Pumupunta sa kanila. Tapos si Aljur po kasi, very open siya, ito 'yung nangyari. Tapos lumilipas 'yung panahon, siguro nakaka-realize po siya kung ano 'yung tama at hindi tama. Ngayon po, we are okay. Wala po kaming nagiging problema pagdating sa ibang tao."
Pag-amin ni AJ na noong panahong marami ang nagme-message at pumupunta kay Aljur ay may parte na nagseselos siya.
"Yes po, may part po sa 'kin na nagseselos ako. Pero, para hindi na po para palakihin. Parang simpleng tanong lang na, 'Sino 'yun?' Tapos naiintindihan na po niya. Tapos very mature si Aljur. Kakausapin niya ako, 'Hindi mo kailangan mag-alala riyan.'"
Nang tanungin kung sino ang mas seloso sa kanilang dalawa, pag-amin ni AJ, "Si Aljur po kasi, parang wala rin naman po siyang chance na magselos kasi wala naman po akong nakakausap. Wala po akong friends na lalaki. Hindi ko rin po siya binibigyan ng reason."
Ayon kay AJ, "sobrang loyal" ni Aljur, at iyon ang pundasyon ng kanilang relasyon.
Panoorin ang buong interview ni AJ Raval sa Fast Talk with Boy Abunda sa video na ito:
RELATED CONTENT: AJ Raval, ibinahagi ang pagsubok nang unang maging ina