
Usap-usapan kamakailan lang ang mga tsimis tungkol sa relasyon nina AJ Raval at Aljur Abrenica sa social media. Maraming nagsasabi na buntis na raw ang dating sexy star o kaya naman nanganak na raw ito.
Sa kanilang panayam sa Youtube channel ni Julius Babao, nilinaw na ng dalawang artista ang totoong lagay ng kanilang relasyon.
Madiin itinanggi ni AJ ang mga balita na siya ay buntis.
"Hindi po ako taon-taon buntis. Parang yearly po ako buntis," pabirong sabi ng aktres.
Dagdag din ni AJ, "Siguro kung magbubuntis po ako ngayon, magalit man ang maraming tao, ako pa rin ang pinakamasayang tao sa buong mundo."
Klaro rin ng dating sexy star na hindi ang naturang usap-usapan ang dahilan sa pagpapahinga niya sa showbiz. Hindi niya rin masyado binigyan ng pansin ang mga issues lalo't abala siya sa pagtapos ng high school sa Alternative Learning System (ALS) at sa mga iba pa niyang plano sa buhay.
"Hindi ko siya masyadong binigyan ng focus kasi noong nawala ako, ang saya-saya ko eh. Imagine kahit papaano nakapag graduate ako, nag-ALS ako, natulungan ko yung mga tao sa programa na iyon, may na-inspire ako. Ba't ako magfofocus sa ganoong bagay?" paliwanag niya.
Tinuldukan din ni Aljur ang mga usap-usapan tungkol sa kanyang litrato na may kargang sanggol na umano'y anak niya raw kay AJ. Nilinaw ng aktor na ito ay kamag-anak nila at hindi totoo ang mga balita na meron silang anak.
Aniya, "'Yung bata na iyon isa sa mga kamag-anak,eh. Hindi ko alam kung kanino anak sa family."
Dagdag pa ni Aljur, kung sakaling bibiyayaan sila ng sariling anak, blessing daw ito.
Sa ngayon, masaya ang kanilang samahan at maayos ang relasyon ng aktres sa dalawang anak ni Aljur na sina Alas at Axl. Madalas pa raw, si AJ mismo ang nakakapansin sa mga hilig ng mga bata.
RELATED GALLERY: Axl Romeo turns 4
"Alam ni'yo si AJ, she's very supportive especially pagdating sa akin kung paano ko maalagaan 'yung mga bata. Sometimes, siya pa nga nakakikita ng, 'Alam mo ba, ito 'yung mga hilig ng anak mo?' Kasi minsan hindi ko nakikita," sabi ni Aljur.
Panoorin ang panayam nina AJ Raval at Aljur Abrenica dito:
Video from Julius Babao Unplugged YT channel