
Si sexy actress AJ Raval ang bibida sa upcoming brand-new episode ng Magpakailanman.
Bibida siya sa pangalawang special presentation ng month-long tribute ng real-life drama anthology para sa mga ina ngayong buong buwan ng May.
Pinamagatang "Batang Nanay, Tatlong Panganay," bibigyang-buhay ni AJ Raval ang kuwento ni Sienna, ang babaeng nagbubuntis sa murang edad na 16 matapos makaranas ng pang-aabuso.
Sa patuloy niyang paghahanap ng pag-ibig, magkakaroon pa siya ng dalawang anak mula sa dalawang magkaibang lalaki.
Ito ang unang pagkakataon ni AJ Raval maging bahagi Magpakailanman.
"Ang first experience ko dito sa Magpakailanman, nakakatuwa kasi bagong bago siya sa'kin. First time kong gumawa ng ganitong project. Usually, alam naman ng karamihan na nagpapa-sexy ako [kaya] ibang iba talaga siya sa akin," pahayag ng aktres.
Ito rin ang unang dramatic role niya.
"Nakakatuwa kasi mas napakita ko dito ngayon 'yung talento ko. Nabigyan ako ng chance ng Magpakailanman para ipakita 'yung talent ko," paliwanag ni AJ.
Umaasa din siyang magugustuhan ng mga manonood ang episode.
"Of course, masaya ako na may magampanan ako na isang tao, 'yung istorya ng buhay niya ginampanan ko. Sana nabigyan ko ng justice," bahagi niya.
Makakasama ni AJ sa episode sina Gabby Eigenmann, Bryan Benedict, Jenzel Angeles, John Vic de Guzman, at Madeleine Nicolas.
Abangan ang brand-new episode at pangalawang Mother's Month special na "Batang Nanay, Tatlong Panganay," May 16, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.