GMA Logo aj raval
Photo source: ajravsss (IG)
What's Hot

AJ Raval, emosyonal na binalikan ang panahong itinatago ang kanyang mga anak

By Karen Juliane Crucillo
Published February 2, 2026 1:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

UAAP: NUNS triumphs in finals rematch versus UST, keeps in step with Boys Tournament leaders
M/V Trisha Kerstin 3 death toll climbs to 40
eGovPH warns public of app spoofing

Article Inside Page


Showbiz News

aj raval


Alamin dito ang karanasan ni AJ Raval bago niya isapubliko ang kanyang mga anak.

Ngayong malaya na siyang humaharap sa publiko, binalikan ni AJ Raval ang mga naging pagsubok ng kanilang pamilya noong hindi pa naisasapubliko ang kanyang mga anak.

Sa panayam ni AJ sa Toni Talks, ibinahagi ng aktres na hindi naging madali ang kanyang mga karanasan, lalo na para sa kanyang mga anak na sina Ariana, Alkina, Junior, at Abraham.

“Sa bahay lang namin, may mga taong nandoon, hindi ko kilala. Gusto lang nila maka-capture ng picture sa mga bata,” kuwento ni AJ.

Dahil sa kanilang pagtatago, maraming karanasang napagkaitan ang kanyang mga anak, tulad ng pagiging isang buong pamilya sa publiko.

“Gusto namin silang ipasyal. Gusto namin silang bigyan ng malalaking birthday celebration,” aniya.

Samantala, isa pa sa mga masakit na pagsubok ay ang maunawaan ng kanyang anak na si Ariana ang kanilang sitwasyon sa murang edad.

“'Yung panganay ko po, nag-aaral. Gusto ko pong pumunta sa school niya, maging present. Si Yanna nga, 'yung panganay ko si Ariana, parang nasanay na po siya na parang alam niya po 'yung nangyayari.

"Hindi ko po siya tinuruan pero kapag nasa bahay po kami, tawag niya po sa akin Mommy Bats, pero po kapag nasa labas kami, automatic po siya, tawag niya sa akin Ate Bats noon,” emosyonal na ikinuwento ng aktres.

Ngunit ngayon, nasabihan na ni AJ ang kanyang anak na maaari na siyang tawaging “mommy” matapos nilang aminin sa publiko ang katotohanan.

Related gallery: AJ Raval, Aljur Abrenica's tender moments with their kid

Inamin ni AJ na nalagay sa ganoong sitwasyon ang kanyang mga anak dahil nais nilang maiwasan ang paglala ng mga isyu.

“Sa school nga po, minsan po kasi hinahatid namin po siya noon nung hindi pa po kami nag-a-out. 'Tapos, pag-alis po namin, kinukulit po siya, sasabihin, 'Sinong mama mo? Sinong tatay mo?' Mga teacher pa po ang nagtatanong,” pahayag niya.

Sa kabila nito, natutuwa si AJ sa pagiging maunawain ng kanyang anak na si Ariana, na aniya'y tila “mature” para sa kanyang edad.

Noong November, unang binigyang-linaw ni AJ ang katotohanan tungkol sa mga anak nila ni Aljur Abrenica sa Fast Talk with Boy Abunda.

Si Ariana, na pitong taong gulang na ngayon, ang kanyang panganay. Mayroon din siyang anak na lalaki na si Aaron na, ayon sa aktres, ay pumanaw na. Samantala, may tatlo naman silang anak ni Aljur—sina Alkina, Junior, at Abraham.

Simula noon, mas malaya nang nakakalabas ang pamilya nina AJ at Aljur at nagkaroon na rin ng face reveal ang kanyang mga anak sa social media.

Related gallery: AJ Raval, Aljur Abrenica, paano nga ba nagsimula ang love story?