What's on TV

AJ Raval, gaganap bilang batang inang may tatlong panganay sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published May 16, 2026 11:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Miss Eco International PH Gabbi Carballo stuns in red at sashing ceremony
Bretman Rock returns to the Philippines, fulfills sinigang craving
Public urged to conserve electricity as stable power supply yet to return

Article Inside Page


Showbiz News

Magpakailanman


Naka-relate daw si AJ Raval sa kuwento na pagbibidahan niya sa 'Magpakailanman.'

Si sexy actress Aj Raval ang bibida sa upcoming brand-new episode ng Magpakailanman.

Pinamagatang "Batang Nanay, Tatlong Panganay," ito ang pangalawang Mother's Day special ng real-life drama anthology para sa buwan ng May.

Gaganap dito si AJ bilang dalagitang magiging teenage mom matapos abusuhin ng kanyang employer. Patuloy siyang susugal sa pag-ibig kaya magkakaroon pa ng dalawang anak mula sa magkaibang lalaki.

Image Source: mpkgma (Instagram)



"Ako po dito si Sienna, ginanapan ko po itong istorya niya. Sobrang ganda po ng story niya. Maiintindihan po ng mga tao kung bakit nangyari sa buhay niya 'yun, hindi lang po basta na parang i-judge siya," lahad ng aktres.

May ilang mga bagay daw sa kuwentong ito na natutulad sa sariling karanasan ni AJ bilang young mother sa limang anak.

"Kung paano po siya naghirap sa buhay--mentally, physically, financially--naka-relate po ako kay Sienna," paliwanag niya.

Abangan ang brand-new episode at pangalawang Mother's Month special na "Batang Nanay, Tatlong Panganay," May 16, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.

Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.

Samantala, panoorin ang buong panayam ni Nelson Canlas kay AJ Raval para sa 24 Oras sa video sa itaas.