GMA Logo AJ Raval on doing sexy roles again
Source: ajravsss (IG)
What's Hot

AJ Raval, gusto pa bang gumawa ng sexy roles?

By Kristian Eric Javier
Published May 12, 2026 11:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Who is Nicole Borromeo? 5 facts about Miss Worldwide Philippines 2026
David Licauco and Vince Maristela team up for Hyrox Hong Kong
Timor-Leste PM to promote Cebu’s tourism

Article Inside Page


Showbiz News

AJ Raval on doing sexy roles again


Magbabalik sa pag-arte si AJ Raval sa 'Magpakailanman' ngunit handa rin ba siyang magbalik sa sexy roles?

Kilala si AJ Raval sa kaniyang galing sa pag-arte, at dahil na rin sa sexy roles at projects na ginagawa niya noon. Ngunit ngayon na may pamilya na siya, sabi ng aktres, ayaw na niya sanang gumawa pa ng ganoong mga proyekto.

“Tito Boy, honestly, after po ng interview natin, may mga projects po na dumating. Pero nag-decide po ako na hindi na siya gawin, hindi na siya tanggapin, dahil po sexy. At siyempre, may mga anak na rin po ako, ilan na po sila, ayoko na pong gumawa ng gano'n,” pag-amin ni AJ Raval sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, May 11.

Sigurado naman umano ang aktres na susuportahan siya ng partner at kapwa aktor na si Aljur Abrenica. Ngunit sabi ni AJ, gusto niyang respetuhin ang partner at magdesisyon kung ano 'yung mga hindi niya dapat gawin.

Pero kung si Aljur naman ang sasabak sa sexy roles, para kay AJ, “Okay lang, Tito Boy, confident naman po ako du'n.”

Samantala, aminado naman si AJ na may regrets siya sa paggawa niya ng sexy films noon, pero alam din naman niyang wala na siyang magagawa dahil nangyari na.

Sa halip, ang nasa isip ngayon ni AJ, “Pero ang maganda po doon, marami po akong natutunan, nagawa ko na po ito, hindi na po siya gagawin ng anak ko.”

ALAMIN ANG PAGSUBOK NA DINANAS NI AJ BILANG ISANG BATANG INA SA GALLERY NA ITO:

Magbabalik na rin sa pag-arte si AJ Raval sa pamamagitan ng upcoming episode ng Magpakailanman kung saan gagampanan niya ang role ng isang batang ina. Aminado ang aktres na naka-relate siya nang husto sa kaniyang role at humugot sa sariling karanasan para sa role.

Hiling ni AJ, sana magtuloy-tuloy na ang pagbabalik niya sa pag-arte at sinabing gusto pa niyang mag-explore ng ibang genre.

“Gusto ko pang mag-explore, gusto ko pang mag-try ng iba't ibang genre ng pag-a-acting. Ngayon po, gusto ko pong parang feeling ko po, magaling po akong umiyak,” sabi ni AJ.

Panoorin ang panayam kay AJ dito: