GMA Logo aj raval
Photo by: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

AJ Raval, 'mixed emotions' sa kanyang pagbabalik acting sa 'Magpakailanman'

By Aimee Anoc
Published May 12, 2026 1:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Shai Gilgeous-Alexander, Thunder eke out sweep-sealing win over Lakers
Museo del Galeón is offering free guided tours this May
Juvenile PH eagle spotted in Davao City

Article Inside Page


Showbiz News

aj raval


Bibida si AJ Raval bilang Sienna sa "Batang Nanay, Tatlong Panganay" episode ng 'Magpakailanman' ngayong Sabado. Abangan!

Balik-acting si AJ Raval sa Mother's Month special ng Magpakailanman na pinamagatang "Batang Nanay, Tatlong Panganay" ngayong Sabado, May 16.

Sa pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda noong Lunes, ipinarating ni AJ Raval na halo-halo ang kanyang nararamdaman sa kanyang pagbabalik sa pag-arte.

"Sobrang mixed emotions po ako. At sobrang saya ko po na finally, ito po 'yung official comeback ko sa acting. Nagpapasalamat po ako sa Magpakailanman, sa GMA, na binigyan po nila ako ng chance ipakita 'yung skills ko," masayang sabi ni AJ.

Ikinuwento rin ni AJ na tuwang-tuwa ang partner na si Aljur Abrenica at ang amang si Jeric Raval nang malamang inalok siyang gumawa ng episode sa Magpakailanman.

"Tuwang-tuwa po siya. Napaka-supportive po niya at ng tatay ko. Sila po 'yung nagpu-push talaga sa akin na mag-comeback. At masayang-masaya si Aljur kasi po, siyempre, galing po siya ng GMA. Kilala niya po 'yung mga taong nakatrabaho ko. Siya po mismo, 'Okay 'yan, mabait 'yan, tutulungan ka niyan,'" kuwento ng aktres.

Nang tanungin ni Boy Abunda kung ipinagdasal ba niya ang kanyang comeback, mabilis na sagot ni AJ, "Yes po."

Pagpapatuloy niya, "Ako naman po, Tito Boy, hindi ko naman po hinahangad maging superstar. Pero, I love acting. Maka-acting lang po ako, masaya na po ako. Hindi man po ako ganoon kagaling, pero mayroon pong joy na nabibigay sa akin 'yung pag-arte."

Sa upcoming episode ng Magpakailanman na "Batang Nanay, Tatlong Panganay," makikilala si AJ bilang Sienna.

"Ako po rito si Sienna. Si Sienna po, nagkaroon po siya ng anak ng bata siya, teenage mom. Pero, mayroon po siyang hindi magandang experience kung bakit po siya nabuntis," sabi niya.

Ayon kay AJ, nakaka-relate siya sa kanyang role sa Magpakailanman. Aniya, "Yes po. Nakaka-relate po ako sa kanyang confusion, mixed emotions ni Sienna, at 'yung sacrifices niya, 'yung pagod niya, 'yung paghihirap niya. Even financially, before, nakaka-relate po ako sa kanya."

Samantala, bago matapos ang kanyang interview sa Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi ni AJ ang karera na nais niyang tahakin matapos ang kanyang stint sa Magpakailanman.

"Gusto ko pa mag-explore. Gusto ko pa ma-try 'yung iba't ibang genre ng pag-acting. Ngayon po, gusto ko pong... parang feeling ko magaling po akong umiyak, doon po sa Magpakailanman," natatawang sabi ni AJ.

Panoorin ang buong interview ni AJ Raval sa Fast Talk with Boy Abunda sa video na ito:

Related content: AJ Raval, ibinahagi ang pagsubok nang unang maging ina