
"Love team vibes"
Ito ang bahagi ng post ni AJ Raval sa muling pagkikita nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.
Sina Aljur at Kris ay dating naging magka-love team noong sila ay sumali sa reality-based artista search ng GMA na StarStruck.
Kuwento ni AJ sa pagkikita nina Aljur at Kris, "Saw them yesterday at TiktokClock Studio, grabe, ang cute pa rin."
Inamin din ni AJ na nag-fangirl siya sa pagkikita nina Aljur at Kris. "✨ love team vibes 💕 They're full of positivity. Took this photo fangirling over here."
Bukod sa post ni AJ, ipinost rin sa TikTok account ng GMA Network ang pagkikita nina Aljur at Kris sa set ng TiktoClock.
PHOTO SOURCE: TikTok: GMA Network
Dito kinompronta ni Kris si Aljur sa hindi nito pagsagot sa mga text messages niya. Saad ni Kris, "Bakit hindi ka nagre-reply sa akin?"
"Nagre-reply ako sa 'yo," sagot naman ni Aljur. Biro pa niya, "Nire-replyan kita, hindi lang nagsi-send."
Panoorin ang kanilang pagkikita rito:
@gmanetwork OMG #AlKris Reunited?! 😍✨ Hindi naman halata na na-miss nina Aljur Abrenica at Kris Bernal ang isa't isa, no? 🤭💛 Nag-reunion pa nga sa set ng TiktoClock! 🥳✨ Watch #TiktoClock every 11:00 a.m. from Monday to Friday on GMA. #AljurAbrenica #KrisBernal #fyp ♬ original sound - GMA Network
Samantala, balikan ang most loved 'StarStruck' love teams