GMA Logo AJ Raval
Source: justinenavato (IG)
What's Hot

AJ Raval, sino-soft launch ang anak?

By Marah Ruiz
Published November 3, 2025 2:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

19 areas under Signal No. 1 as Wilma approaches Samar Island
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

AJ Raval


Naging palaisipan sa netizens ang pagpo-post ni AJ Raval ng picture niya kasama ang isang batang babae.

Bongga ang paandar ng sexy actress na si AJ Raval noong Halloween.

Nagbihis siya bilang iconic Pinoy comic book hero na si Darna. Nagkaroon pa si AJ ng photo and video shoot session para i-flex ang kanyang costume.

Pero naging kapansin-pansin ang pagpo-post niya ng isang set ng mga pictures kung saan makikitang kasama niya ang isang batang babae.

Tinakpan niya ng heart emoji ang mukha ng bata sa isang picture, habang makikita namang hinahalikan niya ito habang nakatalikod sa camera sa isa pang litrato.

Source: urbanshoee______ (IG)

Bihirang mag-post si AJ sa Instagram. Sa katunayan, bago niya ibinahagi ang video at photos ng kanyang Darna costume, noong March pa ang huli niyang post na para pa sa isang sponsored na produkto.

Kaya naman umani ng mga ispekulasyon ang latest post niya. Haka-haka ng iba, sino-soft launch o unti-unti na niyang pinapakilala ang kanyang anak.

Matatandaang kumalat ang chismis na nagkaroon ng anak si AJ at ang kanyang boyfriend na si Aljur Abrenica noong 2022--bagay na itinanggi nila sa isang panayam noong 2024.

Pero ayon sa ama ni AJ na si veteran action star Jeric Raval, dalawa na raw ang anak nina AJ at Aljur. Dagdag pa niyang isang babae at isang lalaki daw ang kanilang mga supling.

Nananatili namang tikom ang bibig nina AJ at Aljur tungkol sa rebelasyon ni Jeric.