
Unti-unti nang bumabalik sa normal ang buhay ni Carolina Astor, ang karakter ni Andrea Torres sa intense drama series na Akusada.
Related gallery: On the set of Akusada
Tampok sa latest episode ng serye ang madamdaming reunion ng mag-inang Carol at Lia (Jourdanne Baldonido).
Makalipas ang ilang panahong hindi niya nakasama ang kanyang anak, hindi maikakaila na sobrang nasabik siya sa yakap nito.
Bago dumating sa kasalukuyan niyang tirahan, ibinuhos ni Carol ang kanyang effort sa pagluto ng mga paborito ni Lia.
Nang dumating na ang huli sa bahay ni Carol, bumuhos ang emosyon ng mag-ina dahil sa sobrang pagkamiss nila sa isa't isa.
Kasama ni Lia na bumisita sa bahay ni Carol ang kanyang Super D na si Wilfred (Benjamin Alves) at kanyang Ate Amber (Ashley Sarmiento).
Samantala, napapanood din sa intense drama sina Lianne Valentin, Marco Masa, Shyr Valdez, Arnold Reyes, Ahron Villena, Jeniffer Maravilla, at iba pa.
Patuloy na subaybayan ang istorya ng Akusada, weekdays, 4:00 p.m. sa Kapuso Stream at GMA Afternoon Prime.
Maaari ring balikan at panoorin ang full episodes nito sa gmanetwork.com/Akusada.