
Magsisimula na ngayong Lunes, June 30, ang pinakabagong intense drama sa GMA na pinamagatang Akusada.
Tampok sa bagong serye na pagbibidahan ni Andrea Torres ang mabigat na sikretong makakaapekto sa buhay ng maraming karakter dito.
Paano kaya tatanggapin ang taong rason ng iyong pighati noon?
Bukod sa Kapuso actress, kabilang din sa cast nito sina Benjamin Alves, Lianne Valentin, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Jennifer Maravilla, Arnold Reyes, at child star na si Erin Espiritu.
Mapapanood din sa serye sina Ronnie Liang, Ahron Villena, Tonton Gutierrez, Shyr Valdez, at marami pang iba.
Anu-ano kaya ang magiging kaugnayan ng kanilang mga karakter kay Carolina/Lorena (Andrea)?
Related gallery: Meet the cast of GMA intense drama series Akusada
Ang bagong serye na ito ay nabuo sa direksyon ng award-winning director na si Direk Dominic Zapata.
Huwag palampasin ang world premiere ng intense drama na Akusada, ngayong Lunes na June 30, 4:00 p.m., sa GMA Afternoon Prime.