
Bukod sa strong performance nito sa telebisyon, patuloy ding patok sa social media ang 2025 GMA intense drama series na Akusada.
Related gallery: On the set of Akusada
Noong July, naitala na umabot na sa 61 million ang total views ng mga video at iba pang content ng serye na mapapanood sa Facebook, X, Instagram, at TikTok.
Sa pagpapatuloy ng istorya ng serye, mas nadadagdagan pa ang naturang million views nito.
Bumubuhos din sa social media ang positive reactions ng viewers at netizens tungkol sa istorya at mga karakter na napapanood sa Akusada.
Patuloy na nakatatanggap ng papuri sa kanilang acting skills sina Andrea Torres, Benjamin Alves, Lianne Valentin, at ang love team na AshCo (Ashley Sarmiento and Marco Masa).
Samantala, huwag palampasin ang susunod pang intense scenes at twists sa Akusada, weekdays, 4:00 p.m. sa Kapuso Stream at GMA Afternoon Prime.
Maaari ring balikan at panoorin ang full episodes nito sa gmanetwork.com/Akusada.