
The wait is over dahil nasagot na ang matagal na naging palaisipan sa mga nakatutok sa istorya ng intense drama series na Akusada.
Sa latest episode ng serye na ipinalabas nitong October 10, ini-reveal na ang totoong may kasalanan sa pagkamatay ng unang asawa ni Wilfred (Benjamin Alves) na si Joi (Max Collins).
Related gallery: On the set of Akusada
Tiyak na marami ang nagulat sa revelation na ang karakter pala ni Arnold Reyes na si Dennis ang tunay na killer sa serye.
Si Dennis (Arnold Reyes) ay kilala ng mga karakter at ng mga manonood bilang mabait at supportive na best friend ni Wilfred (Benjamin Alves).
Sa ilang episodes, inilahad na mayroong special feelings si Dennis para kay Carol (Andrea Torres), ang ex-partner ng kanyang best friend.
Ano kaya ang gagawin ni Lorena ngayong ang isa sa mga pinagkakatiwalaan niya pala ang dahilan kung bakit nasira ang kanyang buhay?
Matatandaang sa poll na inilabas ng GMANetwork.com bago ang revelation, si Roni (Lianne Valentin) ang nakakuha ng pinakamaraming boto tungkol sa kung sino para sa viewers ang killer sa serye.
Sa mga naunang episodes ng intense drama, matagal na nakulong si Carol (Andrea Torres) dahil siya ang naakusahang pumatay kay Joi (Max Collins).
Ano na kaya ang susunod na mangyayari sa istorya ng Akusada?
Huwag palampasin ang susunod pang intense na mga eksena sa 2025 intense drama series.
Mapapanood ang serye mula Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Maaaring balikan at panoorin ang full episodes nito sa gmanetwork.com/Akusada.