GMA Logo Akusada
What's on TV

'Akusada' soundtrack, out now!

By EJ Chua
Published July 31, 2025 11:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Two high-speed trains derail in Spain, broadcaster reports 5 people killed
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Akusada


Maaari nang pakinggan ang official soundtrack ng intense drama na 'Akusada.'

Good news, mga Kapuso! Available na for download at online streaming worldwide ang original soundtrack ng Akusada, isa sa mga pinag-uusapang drama series ng GMA Network ngayon.

Pinamagatang “Alam Ko Lang” ang theme song ng bagong seryeng pinagbibidahan ni Andrea Torres.

Related gallery: On the set of 'Akusada'

Kasama niya sa intense drama sina Benjamin Alves, Lianne Valentin, Ashley Sarmiento, Marco Masa, Ahron Villena, Ronnie Liang, Shyr Valdez, at marami pang iba.

Ang naturang theme song ay inawit ni Jeniffer Maravilla na kabilang din sa cast ng Akusada.

Napapanood siya sa rito bilang best friend ni Carolina/Lorena na karakter ni Andrea Torres.

Samantala, ang “Alam Ko Lang” ay isinulat ni Ann Margaret R. Figueroa at nakatulong niya si Harry A. Bernardino para naman sa mixing ng kanta.

Ang producer ng “Alam Ko Lang” theme song ay si Rocky S. Gacho “Alam Ko Lang” at ni-release ito ng GMA Playlist.

Samantala, maaaring pakinggan ang soundtrack sa ibaba:

Huwag palampasin ang intense, kilig scenes, at revelations sa Akusada, na mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.