GMA Logo Andrea Torres and Benjamin Alves
What's on TV

'Akusada' stars Andrea Torres, Benjamin Alves promise 'intense, unexpected' finale

By EJ Chua
Published October 30, 2025 9:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SMC to waive toll fees for Christmas, New Year
P7M suspected shabu seized; 4 nabbed in NorthMin drug busts
Marian Rivera meets Hirono creator Lang and gets an autographed illustration

Article Inside Page


Showbiz News

Andrea Torres and Benjamin Alves


Huwag palampasin ang last episode ng intense drama series na 'Akusada' ngayong October 31 na!

Mapapanood na ang finale ng Akusada, ngayong Biyernes, October 31.

Related gallery: On the set of 'Akusada'

May pahapyaw tungkol sa huling mga eksena ang ilan sa lead stars nito na sina Andrea Torres at Benjamin Alves.

Sa guest appearance nina Andrea at Benjamin sa Kapuso Artistambayan, inilarawan nila ang mga huling eksena.

Ayon kay Andrea, “Ang finale po ay unexpected, intense, at satisfying.”

Sabi naman ni Benjamin, “Romantic 'yung ending pero 'yung before the ending, thrilling talaga. Hindi mo alam kung ano mangyayari for Dennis… and heartwarming, at with a twist.”

“Sana hanggang huli, kahit holiday, samahan ninyo kami dahil iprine-pare namin itong ending na 'to para talaga sa inyo. Alam namin na magugustuhan n'yo ito,” pahabol naman ng aktres.

Huwag palampasin ang pasabog na huling episide sa 2025 intense drama series na Akusada.

Mapapanood ito ngayong Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.

Maaari ring balikan at panoorin ang full episodes nito sa gmanetwork.com/Akusada.