
Sasalang ang Akusada stars na sina Benjamin Alves at Ashley Sarmiento sa "Ask Me Anything" na tampok sa global online community platform na Reddit.
Ready na sina Benjamin at Ashley na makipagkulitan at sagutin ang bawat itatanong sa kanila ng fans, viewers, at netizens.
Ang exciting na Reddit AMA kasama ang Akusada stars na sina Benjamin at Ashley ay magaganap na ngayong Huwebes, September 25, 1:30 p.m.
Maaari na kayong mag-comment sa Reddit post.
Sabay-sabay na bumisita sa r/KamuningStation, ang official Kapuso subreddit ng GMA Network.
Ang Kapuso actors na sina Benjamin at Ashley ay napapanood sa 2025 intense drama series bilang father and daughter na sina Wilfred at Amber, ilan sa miyembro ng pamilya ni Carol/Lorena (Andrea Torres).
Ilan pa sa mga napapanood sa Akusada ay sina Lianne Valentin, Marco Masa, Shyr Valdez, Arnold Reyes, Ahron Villena, Jeniffer Maravilla, at iba pa.
Patuloy na subaybayan ang istorya ng Akusada, weekdays, 4:00 p.m. sa Kapuso Stream at GMA Afternoon Prime.
Maaari ring balikan at panoorin ang full episodes nito sa gmanetwork.com/Akusada.
Related gallery: On the set of 'Akusada'