GMA Logo Aicelle Santos and Al Fritz pose for a selfie
What's on TV

Al Fritz, "guardian angel" ang turing kay Aicelle Santos

By Jansen Ramos
Published November 18, 2019 4:45 PM PHT
Updated December 23, 2019 3:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

No jackpot winners for June 24, 2026 major lotto draws, says PCSO
Tagbilaran City Police, Gimanduan sa Pag-imbentaryo sa Tanang Service Firearms | Balitang Bisdak
Local fast food giant scores double victory at PR Awards Asia-Pacific for Gaming and Literacy Campaigns

Article Inside Page


Showbiz News

Aicelle Santos and Al Fritz pose for a selfie


Ang Kapuso singer na si Aicelle Santos ang naging inspirasyon ng "Big Voice ng Dasma" ng 'The Clash' na si Al Fritz sa singing journey nito.

Thankful pa rin ang binansagang "Big Voice ng Dasma" na si Al Fritz kahit natapos na ang kanyang The Clash journey.


"Sobra-sobrang thankful ako na nakaabot ako ng Top 12. At least, masasabi ko na I gave a good fight," sambit niya sa panayam ng The Clash.

Sa loob ng sampung taong pagsali sa mga singing contest, pinakamalaking achievement daw ni Al Fritz ang makatungtong sa Top 12 ng GMA singing competition.

Kuwento niya sa hiwalay na panayam noong November 5 , "I've been auditioning for singing contests for 10 years.

"As in ngayon lang ako nakaabot nang ganito kalayo and I can say na parang hindi alam 'yan ng tao kung ano 'yung tinrabaho ko for 10 years just to be here. And hindi naman ako makakapunta rito kundi sa will ni God."

Nagbalik-tanaw si Al Fritz kung paano nagsimula ang kanyang The Clash journey. Matatandaang nanalo siya sa 'Duet With Me' segment ng Studio 7 kaya automatic ang kanyang pagpasok sa Top 64 ng The Clash.

Aniya, ang Kapuso singer na si Aicelle Santos ang nag-udyok sa kanya para sumali sa The Clash. Nagkakilala sila noong naging parte ng cast si Al Fritz ng movie-turned-musical na Himala, kung saan bumida si Aicelle noong 2018 run nito.

Masaya ako nakatrabaho kita bago ka umalis....as in DREAM COME TRUE TALAGA!!! Isa ito aa mga pinagdasal ko kay Lord at tinupad nya!!! You are a blessing @aicellesantos and maraming salamat sa friendship :-) Fan mo ako!!! Ipagaisigawan ko yan sa buong mundo!!! Hanggang sa muling pagkikita kaibigan :-) #fanmode #ladiva #pinoypopsuperstar

A post shared by alfritz.blanche (@alfritz10) on

Kuwento ni Al Fritz, "I've been doing theater so I know Aicelle Santos, so parang nung napanood niya 'yung video ko sa Tawag ng Tanghalan, nalaman niya may audition for The Clash, tinawagan niya 'ko.

"Feeling ko way siya ni Lord kasi wala akong manager, so I don't know 'yung audition details. 'Di ko siya kaagad nalalaman, nalaaman ko siya 'pag nasa mall na, gano'n. Tapos no'ng nag-Duet with Me ako, ang bilis no'ng nangyari tapos hinintay namin makumpleto 'yung Top 64. Sa Duet With Me, unexpected din 'yun."

Dahil dito, napatunayan ni Al Fritz ang kabaitan ni Aicelle.

"Naging guardian angel ko si Aicelle," saad ng Caviteño singer.

"Isa siya sa mga pinakamamabait na nakilala ko. Sobrang generous, 'di mo nga akalain na Aicelle Santos na siya, nakapag-London na siya.

"Kapag kausap mo siya, siya 'yung unang kakausap sa 'yo, yayakapin ka niya. Sabi ko, 'Ai, thank you talaga.' Sabi niya, 'Manalig ka lang.'"

Noong November 10, nagkaroon ng special production number si Aicelle kasama si judge Lani Misalucha at 4th Impact kung saan inawit nila ang hit song na "I Believe I Can Fly."

Hindi raw napigilang maging emosyonal ni Al Fritz matapos marining kumanta ang kanyang idolong si Aicelle na kanyang inspirasyon pagdating sa kanyang singing career.

"Recenty lang no'ng nag-guest [siya sa The Clash.] Iyak ako nang iyak, alam 'to ng mga katabi ko sa red chair kasi 'yung kinanta niya is I Believe I Can Fly.

"Ten years ago, 'yung kauna-unahan kong premyo sa amateur singing contest, pinambili ko ng concert [ticket] ng La Diva kasi fan talaga 'ko ni Aicelle, fan talaga 'ko ng La Diva. PhP 5,000 pinambili ko ng ticket tapos kinanta din ni Aicelle 'yung I Believe I Can Fly.

"So sabi ko, one day, makakasama kita mag-peform on stage, one day ma-e-experience ko 'yung ganyan, kumakanta sa harap ng mga tao."

Patuloy ni Al Fritz, "That was 2009, now is 2019. Exactly 10 years ago, no'ng tumugtog 'yung intro ng I Believe I Can Fly tapos kumanta si Aicelle, naala ko 'yo'ng sinabi ko sa sarili ko na 10 years ago na mangyayari sa 'kin which is nangyayari na ngayon."