What's Hot

'Aladdin (You Would've Heard the Name)' first Indian series na mapapanood sa GMA

By Marah Ruiz
Published June 11, 2019 10:16 AM PHT
Updated June 11, 2019 10:33 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan ang kanyang adventures sa Aladdin (You Would've Heard the Name) ngayong July na sa GMA Heart of Asia!

Sa unang pagkakataon, isang Indian series ang mapapanood sa GMA!


Handog ng GMA Heart of Asia ang Aladdin (You Would've Heard the Name), isang live action fantasy series mula sa India.

Nagbabalatkayo si Aladdin (Siddharth Nigam) bilang Black Thief of Baghdad at nagnanakaw mula sa mayayaman para ibigay sa mga mahihirap sa kanilang siyudad.

Mababago ang kanyang buhay nang atasan siya ni Zafar (Aamir Dalvi), isang ministro sa Baghdad,na hanapin ang isang mahiwagang lampara. Mahahanap ito ni Aladdin at aksidente niyang mapapakawalan ang genie na nakakulong sa loob nito.

Makikilala din ni Aladdin ang kanyang childhood love, ang maganda at natatanging prinsesa ng Baghdad na si Yasmine (Avneet Kaur). Nangangarap siyang maging Sultana pero plano ng kanyang ama na ipakasal siya kay Zafar.

Samantala, may kuneksiyon pala si Aladdin sa lampara at sa genie na nasa loob nito. Ito na kaya ang susi para mahanap ang nawawala niyang ama?

Abangan ang kanyang adventures sa Aladdin (You Would've Heard the Name) ngayong July na sa GMA Heart of Asia!