GMA Logo Leo Martinez, Kazel Kinouchi, Abot Kamay Na Pangarap
What's on TV

Alam na ni Lolo Pepe na hindi niya tunay na apo si Zoey

By EJ Chua
Published November 22, 2023 12:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NTF-ELCAC rejects claims P8-B barangay allocation is ‘discretionary fund’
‘Panunuluyan’ blends timeless tale of faith with PH heritage
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Leo Martinez, Kazel Kinouchi, Abot Kamay Na Pangarap


Mabunyag na kaya ang pinakamabigat na lihim tungkol kay Zoey? Abangan sa 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

Matapos na kaya ang maliligayang araw ng salbaheng mag-ina na sina Moira at Zoey sa Abot-Kamay Na Pangarap?

Talaga namang kaabang-abang ang susunod na mga tagpo sa naturang hit GMA series.

Sa bagong episode ng serye, matutunghayan kung ano ang magiging reaksyon ni Lolo Pepe (Leo Martinez) kapag nakita na niya ang resulta ng DNA tests ng kanyang mga apo.

Malalaman na ni Lolo Pepe na hindi niya tunay na apo si Zoey (Kazel Kinouchi).

Sa kabilang banda, tatawagan niya si Analyn (Jillian Ward) upang ipaalam sa huli ang kanyang nalalaman.

Mapigilan pa kaya nina Moira (Pinky Amador) at Zoey si Lolo Pepe sa pagbunyag ng katotohanan?

Samantala, babalik na si RJ sa pagiging isang doktor. Unti-unti na bang maaayos ang kanyang buhay?

Narito ang ilang pasilip sa episode na ipapalabas ngayong Miyerkules, November 22, sa video sa ibaba:

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/abot_kamay_na_pangarap/home/rito:


Samantala, mga Dramarites, may chance kayong maging #FeelingBlessed ngayong holiday season.

Sumali sa GMA Afternoon Prime Dramarites Challenge para magkaroon ng pagkakataong manalo ng P5,000 daily at P50,000 sa grand raffle.

Tumutok lang sa Abot-Kamay Na Pangarap, Stolen Life, at The Missing Husband, mula Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m. hanggang 5:00 p.m.

Para sa iba pang detalye, bisitahin ang www.gmanetwork.com/DramaritesChallenge.