What's on TV

Alamat: Ang pinagmulan ng Dama de Noche

By Jansen Ramos
Published October 5, 2020 6:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang celebrities, nasimula nang mag-rehearse para sa "Kapuso Countdown to 2026"
Alleged female rebel nabbed for rebellion, crimes against humanity
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Alamat ng dama de noche


Nagsisi si Luis nang mawala si Dama sa kanyang piling.

Ngayong 2020, muling ipinapalabas ang first local animated anthology series na Alamat.

Sa makasaysayan nitong pang sampung pagtatanghal, natunghayan malungkot na buhay ni Dama.

Dahil sa kanyang ganda at bango, nagustuhan siya ng hacienderong si Luis kahit na anak lamang siya ng hardinero.

Noong una, maganda ang kanilang pagsasama at nagbunga ang kanilang pagmamahalan.

Subalit, hindi kalaunan ay namatay ang bata sa sinapupunan ni Dama.

Simula noon, naging mapait na ang pagsasama nila ni Luis. Ni hindi madalas makasama ni Dama ang kanyang asawa tuwing gabi. Dahil sa lungkot. unti-unting nawala ang bango ni Dama.

Isang gabi nang dumating si Luis sa kanilang bahay, hindi niya mahagilap si Dama hanggang sa nakita niya ang isang paso ng mababangong bulaklak na singbusilak ng kanyang asawa.

Namangha ang ginoo sa ganda ng halaman at nagsisi dahil pinabayaan niya ang kanyang asawa matapos itong mawala sa piling niya.

Mula noon, gabi-gabing hindi iniwan ni Luis ang halaman at gabi-gabi ring siyang humihingi ng tawad sa kanyang asawa.

Ang tagapagsalaysay ay ginampanan ni Frencheska Farr. Maliban sa pagiging narrator, siya rin ang tinig sa likod ng ni Dama.

Samantala, si Rafael Siguion-Reyna naman ang nagbigay-buhay sa karakter ni Luis.

Ang alamat ng dama de noche ay ang ika-apat na handog sa ikalawang aklat ng Alamat. Orihinal itong ipinalabas noong June 5, 2016.

Bukas, October 6, nakatakdang ipalabas ang huling episode ng Alamat rerun kung saan matutunghayan ang alamat ng matsing. Mapapanood ito sa GMA-7, 8:25 a.m., bago mag Mars Pa More.

Kung ma-miss n'yo man ang episode, maaaring mapanood ang aired full episodes ng first local animated anthology series sa GMANetwork.com at GMA Network app.