What's on TV

Alamat: Ang pinagmulan ng sampaloc

By Jansen Ramos
Published September 23, 2020 6:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos to Palace employees: Stay focused amid the political noise
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Alamat ng sampaloc


Isinumpa ng bathala ang mga mata ng hambog na tatlong mandirigma at naging sampaloc.

Ngayong 2020, muling ipinapalabas ang first local animated anthology series na Alamat.

Sa makasaysayan nitong pang-pitong pagtatanghal, natunghayan ang kwento ng mga mandirigmang sina Sampo, Pala, at Loc.

Itinuturing silang mga bayani ng isang bayan matapos nilang sagipin ang mamamayan nito mula sa isang higanteng ibon na kung tawagin ay Minokawa, kaya naman nagpasalamat ang pinuno ng bayan na isang matandang datu.

Sa halip na tanggapin ang pasasalamat, kinuwestiyon nina Sampo, Pala, at Loc ang pamumuno ng datu. Sa tulong ng madla, napaalis sa puwesto ang matanda at naghari ang tatlo sa bayan.

Sampo Pala at Loc

Hindi naging maganda ang pamamalakad ng mga mandirigma sa bayan dahil iniutos nila sa kanilang nasasakupan na ibigay ang sampung porsyento ng kanilang yaman sa kanila.

Dahil sadlak sa hirap, walang naibigay ang matandang pinuno kung 'di ang isang inumin mula sa bathala na pinaniniwalaan nina Sampo, Pala, at Loc na isang gantimpala.

Imbis na lumakas, nanghina ang tatlong sakim na pinuno at lumuwa ang kanilang mata matapos itong inumin--isang kaparusahan mula sa bathala.

Makaraan ang ilang araw, may tumubo sa lupa kung saan lumubog ang mga mata nina Sampo, Pala, at Loc. Lumaki ang halaman at namunga ng prutas na hugis mata at kasing-asim ng pag-uugali ng mga mandirigma.

Isinumpa ang kanilang mga mata at naging sampaloc dahil sa kanilang kahambugan at hindi sila naging hari gaya ng kanilang inaakala.

Alamat ng sampaloc

Boses pa lang hindi na maipagkakaila na ang beteranong aktor na si Leo Martinez ang nagbigay-buhay sa mandirigmang si Sampo, pero hindi rin bago para kay Leo ang voice acting. Dahil nga raw sa Alamat, nanumbalik ang mga alaala niya noong nagda-dubbing siya para sa mga pelikulang banyaga na isinalin sa Filipino.

Kakaibang karanasan naman daw ito para sa komedyanteng si RJ Padilla dahil hindi lamang siya nag-voice acting para sa karakter ni Pala, kung 'di pinatungan pa sya ng prosthetics para gumanap bilang tagapag-salaysay sa harap ng kamera.

Samantala, si Ryan Bondoc ang nagboses sa karakter ng matandang pinuno at si Sid Joseph Jimenez naman para sa karakter ni Loc.

Ang alamat ng sampaloc ay ang unang handog ng ikalawang aklat ng Alamat. Orihinal itong ipinalabas noong May 15, 2016.

Patuloy na subaybayan ang Alamat rerun tuwing Lunes at Martes, 8:25 a.m., bago mag-Mars Pa More.

Kung ma-miss n'yo man ang episode, maaaring mapanood ang aired full episodes ng first local animated anthology series sa GMANetwork.com at GMA Network app.