GMA Logo Alamat ng matsing
What's on TV

Alamat: Ang tatlong matsing

By Jansen Ramos
Published October 7, 2020 10:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Rodrigo Duterte’s fitness to stand ICC trial to be determined by January – Conti
First Airbus A350-1000 in Southeast Asia arrives in the Philippines
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City

Article Inside Page


Showbiz News

Alamat ng matsing


Pinarusahan ng diwata ang tatlong magkakapatid na sina Atoy, Cocoy, at Buboy dahil sa kanilang pagiging pasaway.

Ngayong 2020, muling ipinapalabas ang first local animated anthology series na Alamat.

Sa makasaysayan nitong huling pagtatanghal, natunghayan ang alamat ng tatlong matsing.

Base sa kwento, may tatlong batang walang ginawa kung 'di pasakitin ang ulo ng kanilang amang si Paden. Ito ay sina Atoy, Cocoy, at Buboy.

Mga pilyo ang mga bata at puro laro lamang gusto. Ni hindi nila alam na pati kapitbahay nila ay napeperwisyo.

Isang araw, may isang diwata ang tila nagbigay ng sumpa sa pasaway na magkakapatid.

Bilang kabayaran sa kanilang pagiging sutil, pinarusahan sina Atoy, Cocoy, at Buboy ng diwata. Nagbago ang kanilang anyo, nagkaroon sila ng buntot at balahibo, at hindi na sila makapagsalita nang diretso.

Ang alamat ng matsing ay ang ika-anim at huling handog sa ikalawang aklat ng Alamat. Orihinal itong ipinalabas noong June 19, 2016.

Maaaring mapanood ang aired full episodes ng first local animated anthology series sa GMANetwork.com at GMA Network app