
Ngayong 2020, muling ipinapalabas ang first local animated anthology series na Alamat.
Sa makasaysayan nitong pangalawang pagtatanghal, natunghayan kung paano nagbago ang maloko at pilosopong si Juan.
Walang ginawa ang binata kung 'di pahirapan ang kanyang ina dahil sa kanyang katamaran kaya siya binansagang 'Juan Tamad.'
Mahilig sumuway sa utos si Juan para unahin ang kanyang pansariling interes.
Isang araw, nakilala niya si Mariang Masipag na nagpaibig sa kanya.
Dahil nais niyang makuha ang loob nito at ng ina nito, pinatunayan ni Juan ang kanyang sarili sa dalaga hanggang sa binago niya ang kanyang ugaling pagiging tamad.
Minabuti rin ni Juan na baguhin ang pananaw niya sa buhay matapos magkasakit ang kanyang ina dahil sa kanyang kapilyuhan.
Ang mga karakter nina Juan Tamad at Mariang Masipag ay binosesan nina Mike Tan at Louise Delos Reyes. Samantalang ang TV host naman na si Love Añover ang nagbigay ng boses sa ina ni Mariang Masipag.
Patuloy na subaybayan ang Alamat tuwing Lunes at Martes, 8:25 a.m., bago mag-Mars Pa More.
Kung ma-miss n'yo man ang episode, maaaring mapanood ang aired full episodes ng 2015 series sa GMANetwork.com at GMA Network app.