What's on TV

Alamat: Parusa ni Mariang Sinukuan

By Jansen Ramos
Published September 8, 2020 6:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NLEX deploys more security after slingshot rocks hit buses at Balagtas exit
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Mariang Sinukuan


Dahil sa kasikaman ng tao, natuyo ang gubat sa Bundok Arayat na parusa ng diwatang bantay nito na si Mariang Sinukuan.

Ngayong 2020, muling ipinapalabas ang first local animated anthology series na Alamat.

Sa makasaysayan nitong ika-apat na pagtatanghal, natunghayan ang kwento ni Mariang Sinukuan, ang diwatang tagapangalaga ng Bundok Arayat.

Dahil sa awayan ng mga hayop sa kanyang kagubatan at patuloy na pangangaso nina Diego at Manolo, pinarusahan ng diwata ang mga ito at nagpasyang huwag nang magpakita.

Sa pagdaan ang panahon, kinalimutan si Mariang Sinukuan at nawala ang tinig ng hustisya sa Bundok Arayat.

Pinutol ang mga puno, hindi nilubayan ang paghuli sa mga hayop, at namayani ang kasakiman ng tao. Natuyo ang gubat na parusa ni Mariang Sinukuan.

Gayunpaman, naniniwala si Diego na babalik ang diwata para ibalik ang ganda ng bundok kapag natuto ang mga taong pangalagaan ang kalikasan.

Ang karakter ni Mariang Sinukuan ay binosesan ni Kylie Padilla. Samantalang ang mga komedyate naman na sina John Feir at Pekto Nacua ang nagbigay ng boses kina Diego at Manolo.

Patuloy na subaybayan ang Alamat tuwing Lunes at Martes, 8:25 a.m., bago mag-Mars Pa More.

Kung ma-miss n'yo man ang episode, maaaring mapanood ang aired full episodes ng 2015 Alamat series sa GMANetwork.com at GMA Network app.