
Isang panibagong misteryo ang matutunghayan sa most-watched television program of 2022 na Lolong.
"Sa dugo ng punong buwaya, puwede kang maging Atubaw," pahayag ni Ines (Alma Concepcion).
Dito magkakaroon ng ideya si Armando (Christopher de Leon) na gumawa ng isang malakas at makapangyarihang hukbo. Pero ano nga ba ang punong buwaya?
Samantala, magbabalik na si Lolong (Ruru Madrid) para tumindig at maging bayani muli ng Tumahan.
Sa gitna ng gulong ito, manganganak na si Celia (Thea Tolentino). Ang batang ito na ba ang bagong pag-asa ng mga Atubaw?
Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.