What's Hot

Alamin ang sikreto ng 'Secret Hotel' sa GMA News TV

By Marah Ruiz
Published August 23, 2017 10:26 AM PHT
Updated August 23, 2017 10:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

AiAi Delas Alas sells wedding, engagement rings to Boss Toyo: ‘Para may closure na rin’
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Ano ang lihim ng 'Secret Hotel?' Panoorin weeknights at 11:00 pm simula August 28 sa GMA News TV!

Isang magarbong kasal ang gaganapin sa isa sa pinakatanyag na hotels sa Korea, ang Secret Hotel.

Laking gulat ng mga bisita nang isang bangkay ang mahulog mula sa kisame sa mismong araw ng kasal!

Malaking sakit ng ulo ito para kay Justine Nam (Yoo In-na ), head ng wedding planning division ng Secret Hotel. Ito naman ang pagkakataon niyang ipakita ang kanyang kakayanan para ma-promote bilang general manager ng hotel.

Bukod dito, ang groom pala sa kasal na inaayos niya ay ang kanyang ex-husband na si Victor Gu (Jin Yi-han)! Ikinasal sila pitong taon na ang nakalilipas ngunit naghiwalay rin bago pa man sila umabot ng isang daang araw bilang mag-asawa. 
 
Ngayon, tila pinaglalapit sila muli ng tadhana at ng murder investigation sa hotel.
 
Ito na ba ang pagkakataon nilang balikan ang kanilang nakaraang pag-ibig?

Ungkatin ang katotohanan sa likod ng lahat ng lihim ng Secret Hotel, weeknights at 11:00 pm, simula August 28 sa GMA News TV!