What's Hot

Alamin ang sikreto ng 'Secret Hotel'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 6, 2020 10:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

AiAi Delas Alas sells wedding, engagement rings to Boss Toyo: ‘Para may closure na rin’
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Ungkatin ang katotohanan sa likod ng lahat ng lihim ng Secret Hotel, weekday mornings, simula June 1 sa GMA Heart of Asia!


Isang magarbong kasal ang gaganapin sa isa sa pinakatanyag na hotels sa Korea, ang Secret Hotel.
 
Laking gulat ng mga bisita nang isang bangkay ang mahulog mula sa kisame sa mismong araw ng kasal!
 
Malaking sakit ng ulo ito para kay Justine Nam, head ng wedding planning division ng Secret Hotel. Ito naman ang pagkakataon niyang ipakita ang kanyang kakayanan para ma-promote bilang general manager ng hotel.
 
Bukod dito, ang groom pala sa kasal na inaayos niya ay ang kanyang ex-husband na si Victor Gu! Ikinasal sila pitong taon na ang nakalilipas ngunit naghiwalay rin bago pa man sila umabot ng isang daang araw bilang mag-asawa. 
 
Ngayon, tila pinaglalapit sila muli ng tadhana at ng murder investigation sa hotel.
 
Ito na ba ang pagkakataon nilang balikan ang kanilang nakaraang pag-ibig?
 
Ungkatin ang katotohanan sa likod ng lahat ng lihim ng Secret Hotel, weekday mornings, simula June 1 sa GMA Heart of Asia!