
Ngayong October 24, usapang urban gardening ang ating mapapanood sa Amazing Earth.
Sa episode na ito ibibida ni Dingdong Dantes ang kuwento ni Miss Earth Philippines 2020 at Miss Earth - Water 2020 Roxanne Allison Baeyens.
Ang beauty queen na si Roxanne ay itu-tour tayo sa Puerta Real Gardens, Intramuros. Ibabahagi niya rin sa Kapuso Primetime King ang kaniyang urban gardening advocacy.
Tutukan din ngayong Linggo ang mga exciting na kuwento ni Dingdong mula sa nature documentary na Wild Metropolis: Outcasts.
Abangan lahat ito ngayong October 24, 5:20 p.m. sa GMA Network.
RELATED CONTENT:
Dingdong Dantes, nagpasalamat sa parangal na Best Educational Program Host para sa Amazing Earth