
Masaya ang naging kwentuhan kasama ang bagong Kapuso star na si Beauty Gonzalez sa Unang Hirit. Dito ibinahagi niya ang kanyang mga "beauty secrets."
Tinanong sa 30-anyos na aktres kung ano ang kanyang secret para maging fit at sexy.
“Just eat the right food,” ani Beauty.
Biro pa niya na kailangan din daw ng maraming dasal.
Dagdag pa ng aktres, “You just exercise and just have enough sleep. And as you get older, importante talaga [na] you feel lighter about yourself.”
“Yung light ka, kasi you can do a lot of stuff and diet with this pandemic talaga, you have to start eating healthy.”
Ayon kay Beauty, mahilig siya mag-obserba ng mga tao sa paligid at iyon ang kanyang "beauty secret" para maging magaling na artista.
Aniya, “Gustong gusto ko umupo sa isang cafe lang [ng] naka-disguise ako and just observing people how they live their life or experiences and how they talk about their lives.”
Para naman sa pagiging 'cool' mom, ang "beauty secret" ng aktres ay dapat may mga bagay ka pa rin na ginagawa para sa iyong sarili.
“I just live my life and it's important kasi as a mom [na] hindi mo lahat ibibigay lahat sa anak mo. Dapat you do something for yourself also,” sagot ni Beauty.
Ang "beauty secret" naman ng aktres para sa pagiging good wife ay ang pagbibigay masahe sa kanyang mister.
“Masahihin mo lang 'yung asawa mo, lahat ng request mo makukuha mo,” nakatutuwang sagot ng aktres.
Pabiro pa niyang idinagdag, tusukin raw ng malakas ang asawa kapag hindi naibigay ang iyong gusto.
Samantala, alamin kung sino ang mga Kapuso stars na gustong makatrabaho ni Beauty Gonzalez sa gallery na ito: