
Tuloy-tuloy ang pagbibigay ng kasiyahan at katuwaan ng GMA.
Ngayong taon, maglulunsad ng bagong mga programa na tiyak na ikatutuwa ng Kapuso viewers. Maliban sa katiyakan ng high-quality entertainment, pagbibidahan ito ng mga kinagigiliwan at iniidolong mga Kapuso stars.
Ito ang ilan sa mga dapat abangan:
Road Trip
Mag-be-break ang mga sikat na artista mula sa kanilang busy schedules, at magbabakasyon sa iba’t ibang parte ng Pilipinas at mundo. Ang Road Trip ay isang programa na magpapakita ng magagandang tanawin, mga maaaring gawin sa destinasyon, at kung paano nito mapapabuti ang pakiramdam ng mga artistang biyahero. Makakatulong kaya ito sa mga brokenhearted o mapapabuti ito ng bonding at relasyon ng mga pamilya, magkasintahan at magkakaibigan?
All Star Videoke
Maliban sa pagpapakita ng kanilang husay umawit, masusubukan ang galing ng mga artista sa pag-alala ng lyrics. Kasama ng mga celebrity guests, ang mga host na sina Solenn Heussaff at Betong Sumaya at ang iba’t ibang celebrity hired K-lers ang magpapasaya sa mga viewers linggo-linggo. Sino kaya ang makakasabay sa kantahan at pressure na kasama nito?
Alden Richards' Upsurge concert
Mapapanood din ang sold-out concert ni Pambansang Bae, Alden RIchards, sa Sunday Night Box Office (SNBO) sa darating na July 23 at 10:45 PM. Special guest ang phenomenal star na si Maine Mendoza.
Walang bibitiw at walang lipatan ng channel dahil malapit na ang mga programang ito. Abangan, mga Kapuso!