
Upbeat at puno ng emosyon ang bagong kanta ni Golden Cañedo na “Tayo Pa Rin."
IN PHOTOS: Golden Cañedo releases new single "Tayo Pa Rin"
Mula sa ballad, kakaiba ang tunog at himig ng bagong single ni Golden under GMA Music.
Ayon sa 16-year-old singer, ang kanyang single ay tungkol sa long distance relationship o LDR.
“Parang sila po pero hindi puwede, kaya palayain mo muna.
“Kaya kahit anong pagsubok sa buhay, 'Tayo Pa Rin.'” aniya.
Maliban sa kanyang bagong single, naghahanda rin si Golden dahil isa siya sa makakasama sa Kapusong Pinoy Studio 7 Musikalye sa Brooklyn na gaganapin sa Kings Theatre, Brooklyn, New York City sa May 11.
Dito, makakasama ni Golden sina Alden Richards, Christian Bautista, Julie Ann San Jose, Rayver Cruz, Kyline Alcantara at Betong Sumaya.
To buy tickets, visit ticketmaster.com or call 1-800-745-3000.
Samantala, wish ni Golden sa kanyang nalalapit na 17th birthday ang mas tumagal sa industriya at maka-collaborate si Christian Bautista na itinuturing niyang mentor sa showbiz.
Aniya, “Siya po 'yung nagbibigay sa akin ng mga advice at nag-guide sa akin kung ano ang tama at mali.
“Kung dati siya 'yung nag-judge sa akin sa The Clash, ngayon siya na ang kuya ko.”
Alamin ang buong chika sa ulat ni Cata Tibayan:
IN PHOTOS: Golden Cañedo's inspiring transformation
Abangan ang concert ni Golden