
Ang batikang Filipino designer na si Albert Andrada ang napili ni Kapuso actress Vaness del Moral para gumawa ng kanyang wedding gown.
Sa susunod na taon ikakasal si Vaness at kitang-kita sa kanya ang excitement para rito.
"It’s going to be an amazing 2018!!! An amazing gown made by an amazing fashion designer!!! Thank you, Tito," masayang caption niya sa kanyang Instagram post.
Na-engage si Vaness sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Matt Kier noong nakaraang Mayo.