GMA Logo Las Hermanas lead stars
What's on TV

Albert Martinez, nagkuwento tungkol sa role niya sa 'Las Hermanas'

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 18, 2021 12:08 PM PHT
Updated August 6, 2021 4:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang aso, nakaranas ng kalupitan
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Las Hermanas lead stars


Matapos ang 17 taon, balik-Kapuso ang batikang aktor na si Albert Martinez para sa 'Las Hermanas!' Ano kaya ang magiging role niya dito?

Excited na ang batikang aktor na si Albert Martinez sa pagbabalik niya sa GMA, kung saan nagsimula ang kanyang showbiz career nang bumida siya sa 1980s series na Annaliza.

Ngayong 2021, mapapanood muli si Albert sa GMA sa Las Hermanas kung saan makakasama niya sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, at Faith Da Silva.

Nagkaroon na ng script reading ang buong cast, at humanga na si Albert kung paano ibato nina Yasmien, Thea, at Faith ang kanilang linya.

Saad niya sa report ng '24 Oras,' "Based doon sa script reading namin kanina, naramdaman ko na 'yung commitment nung mga actors sa materyal."

"And I felt na serious sila in what they're doing. Actually, very impressive.

"Nakikinig lang ako the way they talk, the way they deliver their lines, I can feel na 'yung emotions nung eksena."

Ibinahagi rin ni Albert kung ano ang ugali ni Lorenzo, ang karakter niya sa programa.

"Based doon sa conversation kanina with the director, he's a mysterious guy na you really don't know what he's thinking.

"Iba 'yung perception niya in public, pero iba 'yung tumatakbo sa utak niya.

"He's a very rich guy, so meaning, whatever he wants, he gets."

Si Direk Monti Puno Parungao ang direktor ng Las Hermanas. Bukod kina Albert, kasama rin sa show sina Jason Abalos, Jennica Garcia, Coleen Paz, at mga beterang aktres na sina Madeleine Nicolas at Melissa Mendez.

Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago sa 24 Oras:

Bukod kay Albert, marami rin ang nagbabalik-Kapuso na mapapanood ngayong 2021. Kilalanin sila DITO: