GMA Logo Alden Richards
What's on TV

'Alden August' ng '#MPK,' mainit na tinanggap on air at online

By Marah Ruiz
Published September 1, 2023 7:40 PM PHT
Updated September 4, 2023 11:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

15 ka balay, nasunog sa San Juan, Molo; malapit 50 ka indibidwal, apektado | One Western Visayas
Senate issues show cause order vs Zaldy Co, 5 others
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards


Mainit ang naging pagtanggap on air at online sa "Alden August" month-long special ng '#MPK.'

Mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa "Alden August," ang month-long special ng real life drama anthology ng #MPK o Magpakailanman na pinagbidahan ni Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Nakakuha ng matataas na ratings ang episodes nito ayon sa tala ng Nielsen Philippines.

Nagtala ng 10.4% ratings ang "A Runner to Remember," na kuwento ng isang marathon runner na may kundisyong dystonia na nakakaapekto sa muscles ng kanyang katawan.

Nakakuha naman ng 10% ratings ang "Epal Dreamboy" na tungkol sa isang social media influencer na panay ang flex ng mga mamahaling gamit online.

Umabot naman ng 10.3% ang ratings na nakuha ng "Sa Puso't Isipan" na umikot sa buhay ng isang lalaking naging tagapangalaga ng mga magulang na parehong may mental illness.

Ayon naman sa monitoring ng online fan group na Alden Trendsetter, big hit din sa TikTok ang clips mula sa episodes ng "Alden August."

As of August 30, may 465.2K views na ang videos na mula sa "A Runner to Remember," habang umabot naman sa 418.6K views ang "Epal Dreamboy."

May 517.7K views naman ang "The Lost Boy," habang ang pinakamataas sa lahat ay ang "Sa Puso't Isipan" na nagtala ng 1.22M views sa TikTok.

Panoorin nang libre at buo ang apat na special episodes ng "Alden August" month-long special ni Alden Richards para sa #MPK dito:

A Runner to Remember



Epal Dreamboy



The Lost Boy



Sa Puso't Isipan



Patuloy namang panoorin ang mga pambihirang kuwento ng mga tunay na tao sa #MPK, every Saturday, 8:15 p.m. sa GMA.