
Sa loob ng 15 taon sa industriya, hindi napigilan ni Asia's Multimedia Star Alden Richards na magnilay-nilay sa kung ano pa ang naghihintay sa kanya sa hinaharap.
Ayon sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras noong Martes, December 2, ibinahagi ni Alden na kahit marami na siyang naabot sa buhay, mayroon pa rin siyang tinatawag na “greatest fear,” lalo na't siya ay tumatanda na.
“Siguro, my fear is, I might grow old alone. Ngayon lang siya dumating. Minsan kasi, wala talaga akong pakialam sa sarili ko e, but kumbaga parang, 'yung mga importante muna,” pag-amin ng aktor.
Ibinahagi niya na ngayon niya lang naramdaman ang takot na ito at ngayon niya lang ito naamin sa sarili.
“So, 'yun lang parang, ngayon lang siya dumating sa akin. Just now, and I said it. That's my fear that I might grow old alone, and I don't want that to happen,” dagdag pa niya.
Sa kabila ng kanyang pangamba, naniniwala pa rin si Alden na ipagkakaloob sa kanya ang mga bagay na deserve niya.
“Sa buhay naman parang, we all get what we deserve, you reap what you sow,” pahayag niya.
“I think that's my mission. Doon ako na-fuel to 'yung whatever it is I am feeling, gusto ko na nashe-share ko siya, ayoko siya ng sinasarili,” aniya.
Sa selebrasyon ng kanyang 15 taon sa industriya, magkakaroon si Alden ng kanyang fan meeting na pinamagatang ARXV: Moving ForwARd - The Alden Richards Ultimate Fanmeet sa December 13, 2025, sa Sta. Rosa Laguna Multi-purpose Complex.
Ayon sa aktor, isa itong event ng “gratitude,” “appreciation,” at pagbibigay-pugay sa lahat ng naging bahagi ng kanyang 15 taon sa industriya.
Panoorin ang buong panayam dito:
RELATED GALLERY: Alden Richards's defining moments in showbiz