GMA Logo Alden Richards
Photo source: 24 Oras
What's Hot

Alden Richards, aminadong muntikan na mag-quit sa showbiz

By Karen Juliane Crucillo
Published December 3, 2025 2:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balikatan Exercise: PH, US forces train vs drones
Extreme heat kills fish in Davao City fishpond
Here's how much tickets cost for 5 Seconds of Summer's concert in Manila

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards


Basahin dito ang mga hamon at pagsubok na hinarap ni Alden Richards sa loob ng 15 taon sa industriya.

Patuloy na napatunayan ni Alden Richards ang kanyang husay at talento sa loob ng 15 taon sa industriya, ngunit aminado siya na hindi naging madali ang mga hamon sa kanya sa showbiz.

Ayon sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras noong Martes, December 2, ibinahagi ng Asia's Multimedia Star ang naramdaman niyang “burnout” na muntik nang maging dahilan ng pag-quit niya sa showbiz.

“I'd like to consider that as a mild burnout already na hindi ko lang ina-acknowledge. I just look at it na parang, sabi ko 'Teka, saan na ba ako papunta talaga?'” kuwento ni Alden.

Sa gitna ng kanyang career struggles, naisip niya na magkaroon ng iba pang ginagawa sa buhay at bumalik sa pag-aaral.

“Then, I wanted to go back to school, siyempre 'yung dilemma, 'yung push and pull when I reached the point of giving up,” pahayag niya.

Sa kabila ng lahat, aminado si Alden na lagi siyang ginagabayan ng Diyos.

“Di ako nakakalimutan lagi ni Lord talaga to bring me back again to my feet,” dagdag pa niya.

Ibinahagi rin ni Alden ang kanyang “greatest fear” kahit marami na siyang naabot na tagumpay sa kanyang career.

“Siguro, my fear is, I might grow old alone. Ngayon lang siya dumating. Minsan kasi, wala talaga akong pakialam sa sarili ko e, but kumbaga parang, 'yung mga importante muna,” pag-amin ng aktor.

Sa darating na ika-15 taon niya sa industriya, may inihandang fan meeting ang Kapuso actor na pinamagatang ARXV: Moving ForwARd - The Alden Richards Ultimate Fanmeet na gaganapin sa December 13, 2025, sa Sta. Rosa Laguna Multi-purpose Complex.

Panoorin ang buong panayam dito:

RELATED GALLERY: Alden Richards's defining moments in showbiz