
Busy sina Alden Richards at Andrea Torres sa mga training bilang paghahanda para sa kanilang upcoming GMA medical drama series na Code Grey.
Ayon sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras nitong Lunes, June 29, ibinahagi ng mga bida ng Code Grey na bagama't dumaan sila sa iba't ibang hamon sa kanilang training, enjoy pa rin sila sa samahang nabuo sa set habang nagti-taping ng serye.
"Para kaming barkada on set. To the point na nilalapitan na kami na huwag muna kami magsama-sama kasi kailangan na natin i-shoot 'to. Sobrang everytime na nagka-cut, lokohan agad, tawanan," kuwento ni Andrea.
Para naman kay Alden, mahalaga ang pagiging komportable sa kanyang mga katrabaho. Inamin din ng aktor na agad niyang naramdaman ito sa cast ng serye.
"Mahirap gumawa ng isang proyekto na hindi ka komportable sa mga katrabaho mo, and for some reason, iba ibang flavor 'yung nabibigay ng actors na kasama ko dito," pahayag niya.
Bukod kina Alden at Andrea, makakasama rin sa Code Grey sina Christopher de Leon, Romnick Sarmenta, Faith Da Silva, Allen Ansay, Shuvee Etrata, Joross Gamboa, Christian Bautista, Kristoffer Martin, at Jon Lucas.
Abangan ang Code Grey soon sa GMA!
Panoorin ang buong balita rito:
RELATED GALLERY: Cast ng upcoming GMA medical drama series na 'Code Grey,' ipinakilala na