Dalawang Kapuso stars guest sa episode na 'Young Love'
Campus heartthrob si Tom. Student leader naman si Jezza. Tila “a match made in heaven” ang college sweethearts na ito!
Subalit ang pagiging mag-boyfriend at girlfriend ay hindi laging masaya. At ang anumang relasyon ay kailangang dumaan sa pagsubok upang maging matatag.
Mapaninindigan kaya ni Tom ang pangako niyang “walang iwanan” kapag natuklasan niyang matagal nang may malubhang sakit si Jezza?
Pinagbibidahan nina Alden Richards at Andrea Torres, abangan ang pinaghalong tamis at pait sa kuwentong pag-ibig na ito sa programang 'Wagas,' ngayong Sabado, October 3, 2015 sa GMANEWSTV!
Para sa karagdangang impormasyon tungkol sa 'Wagas,' silip na sa aming Facebook at Twitter account: