What's on TV

Alden Richards at Dominic Roco, ipinaliwanag kung ano ang 'bro code'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated May 4, 2017 12:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PAGASA: Fair weather, isolated rains across PH on Easter Sunday
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Para kina Destined To Be Yours stars Alden Richards at Dominic Roco, pinaniniwalaan daw nila ito at sinusunod.

Totoo nga bang may itinuturing na "bro code" ang mga magkakaibigang lalaki pagdating sa panliligaw?

Para kina Destined To Be Yours stars Alden Richards at Dominic Roco, pinaniniwalaan daw nila ito at sinusunod.

"Meron! Siyempre 'pag alam mo na sa kanya, kahit nag-break, hands off. Hindi pwede," pahayag ni Alden.

May exception naman daw dito, ayon kay Dominic. 

"Pero, there are some cases for example, may kaibigan ka [at] may girlfriend siya. Nag-break sila [at] gusto mong ligawan 'yung girl, siyempre 'yung gagawin mo is ask permission from the guy," paliwanag niya. 

Ibinahagi naman ni Alden na nangyari na ito sa kanya sa tunay na buhay. Nag-paalam sa kanya ang isang kaibigan na ligawan ang kanyang ex-girlfriend at pumayag naman siya.

"Sa akin naman hindi na rin big deal kung anumang gawin nung girl kasi nga break na kami and ako 'yung nakipag-break. She has the right to choose and it just so happened na best friend ko 'yung manliligaw," kuwento niya.

Nilinaw din ni Alden na nananatiling maayos ang kanilang relayson ng kanyang kaibigan. 

Bukod sa tinaguriang "bro code," napag-usapan din nina Alden at Dominic ang kanilang general rules sa panliligaw at pati kung paano i-approach ang isang konserbatibong babae.konserbatibong babae.

Panoorin at matutuo sa mga ligaw tips nina Alden at Dominic. 


EXCLUSIVE: Ligaw tips nina Alden Richards at... by gmanetwork

Patuloy din silang tunghayan sa kanilang GMA Telebabad kilig series na Destined To Be Yours, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Encantadia. 

MORE 'DESTINED TO BE YOURS' EXCLUSIVES:

Alden Richards, ikinumpara ang unrequited love sa pagbili ng sapatos

Maine Mendoza, nagbigay ng tips kung paano mang-basted at magpakilala sa crush