
Ang paborito niyong Kapuso stars ang makiki-“Fact or Bluff” sa Celebrity Bluff ngayong Sabado, May 23.
Ang team nina Alden Richards at Kris Bernal, nina Lauren Young at Mike Tan, at nina Andrea Torres at Martin del Rosario ang makakasama nina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.
Ready na ba kayong kiligin, matawa, at makigulo?
Huwag palampasin ang episode na ito! Tutok na sa Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Magpakailanman.