
Nagpamalas ng kanilang husay at talino sina Alden Richards at Riza Faulkerson nang umabot ang magkapatid sa ikatlong round ng Celebrity Bluff!
Nitong Sabado, April 10, napanood sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay, at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.
Samantala, tatlong pares naman ng celebrity siblings ang bumisita upang maki-“Fact or Bluff.” Magkakampi sina Alden at Riza, tandem ang Abrenica brothers na sina Aljur at Allen, at teammates sina Lauren Young at Victor Young.
Sa pagtapos ng second round, pansin ang lamang sa puntos nina Alden at Riza kumpara sa ibang celebrity contestants. Dahil dito, sila ang natirang magkapatid upang maglaro sa ikatlong round ng Celebrity Bluff.
Magtagumpay kaya sila upang masungkit ang jackpot? Panoorin ang April 10 episode ng Celebrity Bluff sa video sa itaas.