
Isang exciting na Biyernes (November 8) ang mapapanood sa Family Feud dahil mapapanood ang Hello, Love, Again stars na sina Alden Richards at Kathryn Bernardo!
Mapapanood sa masayang survey hulaan ang Team Joy ni Kathryn kasama sina Direk Cathy Garcia-Sampana, Lovely Abella, at Valerie Concepcion.
Makakasama naman ni Alden sa Team Ethan sina Joross Gamboa, Jeff Tam, and Jameson Blake.
Subaybayan ang kanilang mga sagot pati na rin ang mga iri-reveal ng celebrity guests sa episode na ito!
Kaabang-abang ang episode ng Family Feud kasama ang Hello, Love, Again stars ngayong Biyernes kaya tutok na mamayang 5:40 p.m. sa GMA Network!
RELATED GALLERY: International posters of 'Hello, Love, Again'