
Ramdam na ramdam ang pagmamahal at suporta ng fans kina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa last leg ng kanilang LA tour para sa kanilang pinagbibidahang pelikula na Hello, Love, Again.
Sa post ng Sparkle GMA Artist Center, makikita ang mga larawan nina Alden at Kathryn sa Cinemark Carson kung saan nakasama nila ang mga Global Pinoy. Makikita rin na mayroong fans na nagdala ng banners bilang suporta sa dalawang bituin.
Labis naman ang pasasalamat ni Alden matapos maging highest-grossing Filipino film of all time ang Hello, Love, Again.
"Thank you for making this happen.
"We are truly grateful beyond words. Maraming, maraming salamat po sa inyong lahat.
"To GOD be the glory," sulat niya sa caption.
Matapos lamang ang 10 araw mula nang ipalabas ang Hello, Love, Again noong November 13 ay kumita na mahigit PhP930 million ang naturang pelikula, na napapanood sa mahigit 1,000 cinemas sa North America, Europe, Southeast Asia, at Middle East.