GMA Logo Kim Molina and Jerald Napoles wedding
Source: Kim Molina (FB)
What's Hot

Alden Richards at Kuya Kim Atienza, agaw eksena sa kasal nina Jerald Napoles at Kim Molina

By Aedrianne Acar
Published March 3, 2026 3:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Presyo ng gasolina - Gaano kalaki ang itataas bunsod ng krisis sa Middle East? | GMA Integrated Newsfeed
School principal, 2 others nabbed in Mati drug bust
Local telco offers free calls to Filipinos affected by the Middle East conflict

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Molina and Jerald Napoles wedding


Litong-lito na ang bagong kasal! Tingnan ang viral moment na ito sa wedding reception nina Kim Molina at Jerald Napoles.

Napuno ng tawanan at hiyawan ang grand wedding reception ng mag-asawang Kim Molina at Jerald Napoles nitong Linggo, March 1.

Star-studded ang beach wedding ng Rak of Aegis stars na idinaos sa Amorita Resort sa Bohol.

Matapos ang big event, nag-viral naman ang pakulo nina Kim at Jerald sa kanilang wedding reception dahil maling partners ang dala ng dalawa sa kanilang grand entrance.

Sa video na in-upload sa Facebook, hagalpakan sa tawanan ang guests nang makita si Kim Molina kasama ang Asia's Multimedia Star Alden Richards sa grand entrance niya. Sa part two, maling Jerald naman ang kasama niya pumasok dahil ang Kapamilya actor na Gerald Anderson ang muntik niyang i-kiss.

Nang si Jerald Napoles naman ang nag-grand entrance sa wedding reception, kasama naman nito ang TiktoClock host na si Kuya Kim Atienza.

Nakuhanan pa na tawang-tawa ang misis ni Kuya Kim na si Felicia Hung-Atienza sa kulit moment ng mister.

Ang naturang Facebook video umani na ng 24 million views at may 1.2 million engagements na.

Kahit ang netizens, aliw na aliw sa paandar nina Kim at Jerald sa kanilang big wedding. Komento ng bisita nila na si Bubble Gang star Lovely Abella, “Grabe tawang-tawa kami.”

Inanunsyo nina Kim at Jerald ang kanilang engagement noong August 2024. Nagkakilala naman ang dalawa sa theater production na Rak of Aegis taong 2014.

RELATED CONTENT: Kim Molina and Jerald Napoles's dreamy sunset beach wedding in Bohol