
Patuloy na buong pusong pinaghahandaan nina Alden Richards at Kyline Alcantara ang kanilang mga karakter sa romantic comedy series na Love, Siargao.
Sa isang video na ibinahagi ng Viu Philippines, makikitang sumabak ang Kapuso stars sa isang Siargaonon lesson, kung saan inaral nila ang ilang salita at ang tamang pagbigkas ng mga ito.
Nag-enjoy at nagpalitan ng tawanan sina Alden at Kyline habang sinusubukang bigkasin ang mga salitang Siargaonon, na ayon sa kanila ay tila Bisaya rin.
Inasar naman ni Kyline si Alden at sinabing, "Naging Korean."
Sa dulo ng video, nagbiro si Alden at sinabing, "Nakurutan na ako sa imo." Samantala, sinayaw naman ni Kyline ang "Hawak Mo Ang Beat" at kinanta ito ng "Kunta ni mo ang beat."
Kasama nina Alden at Kyline sa cast sina Nadine Lustre, Coleen Garcia, Kim Ji Soo, AZ Martinez, Vince Maristela, Gab Lagman, Kakki Teodoro, Adrian Lindayag, at Christopher Diwata.
Patuloy na abangan ang mga bagong episode ng Love, Siargao tuwing Biyernes at Sabado, 6 p.m., sa Viu.
RELATED GALLERY: Kyline Alcantara shares candid moments from the set of 'Love, Siargao'