
Muling naghatid ng kilig sina Alden Richards at Nadine Lustre sa kanilang fans at viewers.
Sa behind-the-scenes videos nila mula sa set ng Love, Siargao na ibinahagi ng Viu Philippines, nag-react ang fans at viewers sa nakakakilig na interaksyon ng dalawang aktor.
Makikita ang kakulitan nina Alden at Nadine, lalo na ang pagiging komportable nila sa isa't isa sa set ng serye.
Marami ang natuwa dahil kahit first on-screen pairing ng dalawa, kapansin-pansin na agad ang nabuong friendship at chemistry nila on-cam at off-cam.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng fans at viewers sa behind-the-scenes videos nina Alden at Nadine sa Love, Siargao:
Mapapanood ang Love, Siargao tuwing Biyernes at Sabado, 6 p.m. sa Viu Philippines.
RELATED GALLERY: Alden Richards and Nadine Lustre show undeniable chemistry in 'Love, Siargao'